Lumaktaw sa nilalaman

Process

Simple lang, Ganito kadali.

Hindi mo kailangan maging magaling sa cellphone or computer.

Step-by-step

Lima lang ang steps.

Walang gulo, walang nakatagong proseso. Ganito ang takbo mula umpisa hanggang dulo.

Magtanong or mag-apply

Bisitahin ang opisina o mag-message lang. Magtanong ka muna, wala kang dapat ihanda agad.

Pag-usapan ng maayos

Titingnan namin kung kaya mong bayaran ng maluwag. Bago ka pumayag, makikita mo ang saktong presyo at hulog kada sweldo.

Ihanda ang requirements

Ito ang karaniwang kailangan. Kumpirmahin sa opisina ang kumpletong listahan.

Payroll ATM

3 pinakabagong payslip

Valid ID at Company ID

Proof of billing

2x2 na larawan

Approval

Tunay na tao ang titingin sa aplikasyon mo, hindi bot. Malinaw at tapat ang resulta.

Pag approved na, makukuha mo ang pera

Kapag aprubado, makukuha mo ang loan. Babayaran kada sweldo, walang nakatagong fee.

Walang bayad para mag-apply.

Ito ang pinakamalinaw na senyales ng totoong lender: hindi ka namin pagbabayarin bago ka pa aprubahan. Kahit kailan, hindi kami nanghihingi ng pera, “processing fee,” o GCash bago i-release ang loan. Kung may nanghihingi nito gamit ang pangalan ng Fuerte, scam iyon. Huwag kang magbabayad.

May nanghihingi ng bayad sa pangalan namin?

Hanapin ang official number ng inyong branch →

Handa ka na ka-Fuerte?

Magtanong ka lang muna, hindi mo kailangan mag-apply agad, walang bayad. Tutulungan ka namin step-by-step.