Lumaktaw sa nilalaman

Security

Ligtas ka, at narito ang patunay.

Maraming pekeng lending app ngayon, kaya tama lang na mag-alinlangan ka. Huwag mo kaming basta paniwalaan. Heto ang lahat ng kailangan mo para i-verify kami mismo.

Opisyal na rehistro

SEC registered kami.

Ito ang mga numerong hinihingi ng batas (SEC Memorandum Circular No. 19) na ipakita sa publiko. Kunin mo ito at i-check mo mismo. Ipinagmamalaki namin.

Rehistradong pangalan ng kompanya

Fuerte Lending Corporation

SEC Registration No.

CS201204674

Certificate of Authority to Operate No.

1196

I-verify mo kami

Huwag mo kaming basta paniwalaan. I-check mo rin.

Karapatan mong siguraduhin na totoo ang isang lender bago ka umutang. Ilang minuto lang ito, at sa sarili mong telepono mo magagawa.

Buksan ang website ng SEC

Pumunta sa sec.gov.ph, ang official na website ng SEC.

Hanapin ang aming pangalan o CA number

I-type ang aming buong rehistradong pangalan, Fuerte Lending Corporation, o ang Certificate of Authority No., 1196.

Tingnan kung tugma

Dapat lumabas kami sa resulta na may status na rehistrado at may pahintulot na magpautang. Kung may detalyeng hindi tugma, huwag kang magpatuloy at i-report mo sa amin.

May puntahan ka

Legit na may opisina kami.

Hindi kami app na walang address. Pwede mo kaming bisitahin, makausap nang harapan, at makita kung saan kami nagtatrabaho.

Larawan ng opisina ng Fuerte 1 ng 3
Larawan ng opisina ng Fuerte 2 ng 3
Larawan ng opisina ng Fuerte 3 ng 3

Rm 202, 2/F, Boy Santiago & The Corporate Centre, 172 A. Bonifacio Ave., Tañong, Marikina City

Bukas: Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM - 5:00 PM

Mga tunay na tao

Tunay na tao ang kausap mo.

Walang bot, walang nagtatagong operator. Sa bawat branch, may tunay na taong handang sumagot sa tanong mo at gumabay sa iyo, mula sa unang tanong hanggang sa pag-release ng pautang. Puntahan o tawagan lang ang inyong pinakamalapit na branch.

Ang HINDI namin gagawin

Ito ang mga ginagawa ng mga manloloko at predatory app. Hindi namin ito gagawin, kailanman.

Hindi kami nanghihingi ng pera, “processing fee,” o GCash bago i-release ang loan.

Hindi namin binabasa o kinukuha ang mga contact sa telepono mo.

Hindi ka namin tatawagan ng masama, gigipitin, o ipapahiya sa iba.

Walang hidden charges, clear ang lahat bago ka pumayag.

May nanghihingi nito gamit ang pangalan ng Fuerte?

Hanapin ang official number ng inyong branch →

Patas ang singil

Paano kami maningil? May Galang.

Sumusunod kami sa SEC Memorandum Circular No. 18 sa patas na pagsingil. Ito ang ipinapangako namin sa bawat borrower.

Walang banta, dahas, o pananakot, sa iyo man o sa pamilya mo.

Walang bastos na salita o pagmumura sa pagsingil.

Walang public shaming, hindi ka namin ilalantad o ipapahiya online o sa kapitbahay.

Tatawagan ka lang namin sa tamang oras: 6AM hanggang 10PM.

Magpapakilala ang kolektor sa tunay niyang pangalan, hindi nagtatago.

Ang guarantor lang na ikaw mismo ang nagbigay ang aming kakausapin, hindi random na contact.

Privacy mo, ligtas

Iniingatan namin ang data mo.

Ang impormasyong ibinigay mo ay para lang sa pautang mo, hindi para gamitin laban sa iyo.

Hindi namin binabasa o kinokopya ang phone contacts, photos, o messages mo.

Ang selfie mo ay para lang sa KYC, patunay na ikaw nga ang umuutang. Hindi ito gagamitin para manakot o manghiya.

Iniingatan namin ang data mo ayon sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173).

Ang pagkakaiba

Kung paano kami na iiba sa predatory app.

Hindi namin pinipintasan ang iba, pero ito ang mga bagay na dapat mong hanapin sa isang totoo at patas na lender.

Malinaw ang terms

Nakasulat ang presyo, hulog, at kabuuan bago ka pumirma, walang biglaang singil o nakatagong bayad.

Tunay na may opisina

May pisikal na lugar na mapupuntahan mo at taong makakaharap, hindi lang isang app na biglang mawawala.

Patas ang singil

Maningil kami nang may galang at sa tamang oras lang, walang pananakot, walang public shaming.

Ligtas ang iyong data

Hindi namin hinahalungkat ang contacts o photos mo, at sinusunod namin ang Data Privacy Act.

Legit kami. Handa ka na bang umutang nang patas?

Na-verify mo na kami. Kung may tanong ka pa, makakausap mo ay tunay na tao. Kung handa ka na, mag-apply na.